Tauhan Sa Kabanata 18 El Filibusterismo

Tauhan sa kabanata 18 el filibusterismo

Mga Tauhan sa El Filibusterismo Kabanata 18: Ang mga Kadayaan

Ang mga tauhan na bumubuo sa kabanata 18 ng El Filibusterismo na may pamagat na Ang mga Kadayaan" ay ang mga sumusunod na karakter kabilang sina:

  • Ginoong Leeds  
  • Ben Zayb
  • Don Custodio
  • Padre Salvi
  • Padre Camorra
  • Padre Irene

Ginoong Leeds  

Isa siyang Amerikanong na magaling magsalita ng wikang Kastila dahil sa matagal na paninirahan sa Timog-amerika.

Sa kabanatang ito, siya ay magsasagawa ng palabas sa isang perya. Masasabing siya ay isang mapanlinlang dahil sa kanyang mahika. Sa pamamagitan ng kanyang mahika, nasindak niya si Padri Salvi dahil sa mga makabuluhan at matalinhagang salita na puro patama kay Padre Salvi.

Siya ay pumunta ng hongkong dala ang lihim ng kanyang mahika.

Ben Zayb

-isang mamamahayag na namamalikmata sa mahika ni Ginoong Leeds kayat gusto niyang malaman ang sikreto ng mahika na natatago sa mesang may itim na takip. Nag-inspeksiyon siya ngunit hindi niya makita ang sekretong itinatago ni Ginoong Leeds.

Don Custodio

-isa siya sa mga nanonood sa perya habang nakikipagbulungan kay Padre Salvi na ipagbawal ang ganoong palabas sa susunod.

Padre Salvi

-siya ang pangunahing tinutuligsa sa palabas. Dahil sa katotohanan ng palabas ni Ginoong Leeds tungkol sa kanya, siya ay nahimatay sa takot.

Padre Camorra

-isa siya sa mga nasa perya na nanonood sa palabas ni Ginoong Leeds. Natatakot siyang matuklasan ni Ben Zayb ang kadayaan sa palabas ni Mr. Leeds.

Padre Irene

-siya ang isa sa mga nanonood sa perya na hindi ganoon kaapektado sa palabas.

Kabanata 18 ng el filibusterismo sakit sa lipunan brainly.ph/question/1332744

Bakit pinamagatang ang mga panlilinlang sa kabanata 18 ng El Filibusterismo? brainly.ph/question/2104702

Ano ang mapupulot na aral sa Kabanata 18: Mga Kadayaan sa EL FILIBUSTERISMO? brainly.ph/question/1442824

#LearnWithBrainly


Comments

Popular posts from this blog

What Is The Function Of Doon Po Sa Amin

Bakit Ako D Makatulog