"Tama Ang Isang Bagay Kung:A. Ito Ay Ayon Sa Mabuti.B. Walang Nasasaktan.C. Makapagpapabuti Sa Tao.D. Magdudulot Ito Ng Kasiyahan."

"Tama ang isang bagay kung:a. ito ay ayon sa mabuti.b. walang nasasaktan.c. makapagpapabuti sa tao.d. magdudulot ito ng kasiyahan."

Answer:

A. Ito ay ayon sa mabuti

Explanation:

Ang isang bagay ay nagiging tama kung ito ay naayon sa mabuti. Para makagawa ng tama, isinasaalang-alang dito ang magiging epekto nito hindi lang sa sarili kundi sa ibang tao. Ang tamang gawain ay nakabubuti sa paghubog at pagpapalago ng isang tao.

Kung ang isang bagay ay base lamang sa konteksto na walang nasasaktan, hindi masasabi ng tao na ito ay tama. Ang isang halimbawa nito ay ang pagsisinungaling ng isang tao sa kanyang kaibigan para lamang hindi ito masaktan. Ang pagsisinungaling ay hindi isang mabuting gawain.

Hindi lahat ng tamang desisyon ay masasabing nakabubuti sa tao. Isang halimbawa nito ay ang pagpapaalis ng mga iskwater na nakatira sa estero dahil sa madalas na pagbaha doon. Sa isang banda ay makabubuti iyon sa kanila para maiwasan ang pagkalunod subalit sa pagpapaalis sa kanila ay mawawalan sila ng tirahan at maaaring lumala ang kanilang sitwasyon.

Sa panghuli, kapag ang isang bagay ay tama, hindi ibig sabihin na magdudulot na ito ng kasiyahan. May mga pagkakataon na ang pagpili ng tamang gawain ay nakakasakit ng damdamin. Isang magandang halimbawa nito ay ang pag-alis sa lugar na nakasanayan ng isang pamilya. Ang ama ay nagkaroon ng mas magandang oportunidad sa ibang bansa at kailangan niyang dalhin ang buo niyang mag-anak para makapamuhay sila ng sama-sama. Ngunit ang kanyang anak ay nalungkot dahil iiwan niya ang kaniyang mga kaibigan.

Code 9.24.1.5.

Para sa iba pang kaalaman, mangyari lamang na bisitahin ang mga sumusunod:

brainly.ph/question/2239491

brainly.ph/question/2239413

brainly.ph/question/2239432


Comments

Popular posts from this blog

What Is The Function Of Doon Po Sa Amin

Bakit Ako D Makatulog